December 16, 2025

Home SHOWBIZ

Pagbaluktot sa batas, isang kataksilan sey ni Romnick Sarmenta

Pagbaluktot sa batas, isang kataksilan sey ni Romnick Sarmenta

Naghayag ng sentimyento ang aktor na si Romnick Sarmenta patungkol sa mga lingkod-bayan na binabaluktot ang batas.

Sa X post ni Romnick nitong Linggo, Agosto 10, sinabi niyang ang betrayal of public trust ang pinakamalaking kaso na maisasampa sa isang opisyal.

“Betrayal of Public Trust would be, for me, one of the highest cases you could file against a public official.

Who, by the way, we the people, have mandated to work for us,” saad ni Romnick.

Angelica Panganiban nagsising ni-reject Four Sisters and a Wedding role: 'Di naging maganda ending namin ni Angel’

Dagdag pa niya, “When the law, supposed to be for the people, is twisted by the servants of the people. That is betrayal.”

Umani tuloy ng ilang reaksiyon ang post na ito ni Romnick mula sa mga netizen. Narito ang kanilang mga komento:

"Precisely!"

"And those who hinder and prevent high officials from being held accountable for Betrayal of Public Trust are complicit in aiding and abetting their betrayal.  Sa Tagalog - Kasabwat!!"

"Dapat nga i-garote ang mga gnyang klase ng tao e."

"So chiz escudero has committed "betrayal" of public trust @senatePH"

"Sana tumakbo itong Romnick Sarmienta sa susunod na election ang galing kasi!!!!! Kaya lang Big 000000000 chance!!!!"

Matatandaang isa si Romnick sa mga artistang bumoboses sa politika. Noong Hunyo nga ay may tirada siya patungkol sa “inosente pero 16 ang kinuhang abogado,” na bagama’t walang siyang binanggit na pangalan ay tila alam na ng netizens ang kaniyang tinutukoy.

MAKI-BALITA: Romnick Sarmenta, may tirada sa 'inosente pero 16 ang kinuhang abogado'

Ito ay matapos ibahagi ni Senate impeachment court spokesperson Reginald Tongol ang kopya ng Appearance – Ad Cautelam kung saan nakasaad dito na ang 16 na abogado ni Vice Presidente Sara Duterte, para sa impeachment trial, ay manggagaling sa Fortun Narvasa & Salazar law firm.

BASAHIN: Sino-sino nga ba ang 16 na abogadong dedepensa kay VP Sara sa impeachment trial?