Handa pa rin daw humarap sa altar ang ina ni “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia sa kabila ng kaniyang edad para ikasal sa jowa niyang si Mike Yamson.
Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Linggo, Agosto 10, inusisa ang dalawa kung may plano ba silang ikasal.
“Plano n’yo bang ikasal,” tanong ni Bernadette.
“Yes,” sagot ni Michael. “Oo naman.”
Sabi naman ni Mommy Dionisia, “May plano naman, e. Mayro’n na ring wedding ring.”
Ayon sa ina ng Pambansang Kamao, nangako umano si Michael sa kaniya na kamatayan lang umano ang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.
“Sinabi niya sa akin, ‘Patunayan ko sa ‘yo kamatayan lang hiwalayan natin. Sinoman ang mauna sa atin, kamatayan lang makapaghihiwalay sa atin,” ani Mommy Dionisa.
Lampas isang dekada nang nagsasama sina Mommy Dionisia at Michael. At sa kabila ng mga intriga at malisya dahil sa agwat ng kanilang edad, patuloy pa rin silang nagmamahalan.