December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

MC, Lassy sumulpot sa concert: Vice Ganda, 'ipinaubaya' si Cristy kay Bea

MC, Lassy sumulpot sa concert: Vice Ganda, 'ipinaubaya' si Cristy kay Bea
Photo courtesy: Screenshot from Showbiz Now Na (YT)/bea_alonzo1017 (TikTok)

Usap-usapan ang sorpresang pagdalo ng magkaibigang MC Muah at Lassy Marquez sa "Super Divas" concert ng kaibigan nilang si Unkabogable Star Vice Ganda, noong Agosto 8 hanggang Agosto 9 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Habang nakikipag-interact sa audience ng concert, naispatan niya ang dalawang kaibigan na nanonood sa kaniya.

“So you made it,” sey ni Vice Ganda sa dalawa.

“Bakit kayo nandito? Magagalit si Cristy Fermin! Akala nila magkakaaway tayo, sisirain ninyo ‘yong narrative. Mawawalan sila ng content,” pambubuska pa ni Vice.

Tsika at Intriga

'Parang mga barbaro, taong yungib pa rin mag-isip!' John Arcilla, gigil sa mga bayolente sa aso

Ang tinutukoy niya ay si showbiz insider Cristy Fermin, na isa sa mga nagbigay ng komentaryo hinggil sa umano'y hindi pagkakaunawaan nina Vice Ganda, MC, at Lassy na nag-ugat sa komprontasyon ni Vice kay MC sa kaniyang vlog.

Dahil daw dito ay hindi na napagkikita ang dalawa sa noontime show na "It's Showtime."

"Siyempre hindi namin puwede ma-miss 'yong concert mo," sagot naman ni MC sa kaibigan.

Sa isa pang eksena, kumakalat naman ang clip kung saan makikitang magkakasama ang tatlo sa entablado.

"Ipinakikita lang talaga nating nagkakaisa talaga tayo," ani Vice Ganda.

Sana raw hindi na sila nagpunta sa concert dahil nalaman daw na magkakabati silang tatlo.

"Malulungkot na naman si Cristy. Masisira 'yong narrative ni Cristy na magkakaaway tayo. Huwag kayong mag-alala, may magtatanggol sa atin," natatawang sabi ni Vice Ganda.

Nang tanungin kung sino, itinuro ni Vice Ganda ang kaibigang si Kapuso star Bea Alonzo, na nang mga sandaling iyon ay nasa audience kasama ang boyfriend na businessman na si Vincent Co.

"Bea, you handle it!"

Maya-maya ay ipinakita naman sa screen ang mukha ng natatawang si Bea.

"Sagot tayo ni Ate Bea, siya nang bahala, magdadasal lang tayo," sundot pa ni Vice Ganda.

Matatandaang kamakailan lamang ay nakapagpiyansa sa kasong cyber libel sina Cristy at co-hosts niyang sina Romel Chika at Wendell Alvarez, na isinampa lamang sa kanila ni Bea, kaugnay sa naging content nila sa kanilang YouTube channel.

KAUGNAY NA BALITA: Kahit sanay na: Cristy, nabigla sa arrest warrant ng cyber libel case ni Bea sa kanila

Samantala, bukod dito, kontrobersiyal din ang concert ni Vice dahil sa naging parody niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na umani ng kritisismo sa netizens, lalo na sa mga tagasuporta ng dating pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert

Bukod kay Meme Vice, bida rin sa nabanggit na concert si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.