December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

‘Mahal pa rin ni Enrique Gil si Liza Soberano’—Ogie Diaz

‘Mahal pa rin ni Enrique Gil si Liza Soberano’—Ogie Diaz
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Naniniwala pa rin hanggang ngayon si showbiz insider Ogie Diaz na mahal pa rin ni Enrique Gil ang dati niyang alagang si Liza Soberano.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Agosto 10, napag-usapan ang tungkol sa isang account na nakapangalan kay Enrique na nagkomento sa isang TikTok video ni Liza ng “I love you.”

“Na-tag pa raw ‘yong ‘Enrique Gil’ na ‘yon sa dating post ni Liza. So ‘yong iba sinasabi, legit daw ‘yon,” lahad ni Ogie. 

Pero tanong niya, “‘Yong post ni Enrique Gil do’n sa TikTok, ilan pa lang?”

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

“Dalawang videos pa lang ‘yong naka-post, Nay. At saka parang kagagawa pa lang no’ng  July 30,” sagot ni Mama Loi.

Samantala, kung si Ogie naman daw ang tatanungin, sa palagay daw niya ay mahal pa rin ni Enrique si Liza.

“Ako naniniwala ako na mahal pa rin ni Enrique Gil si Liza Soberano. At hinihintay pa rin ni Enrique Gil si Liza,” anang showbiz insider.

Matatandaang sa isang panayam kay Enrique noong Nobyembre 2024 ay inamin niyang umaasa pa rin daw siyang makakatambal niya pang muli si Liza. 

Taong 2020 pa nang huling masilayan ang LizQuen sa teleseryeng “Make it With You,” habang 2022 naman nang maiulat na pumunta sa US si Liza para subukan ang Hollywood career.

MAKI-BALITA: Enrique Gil, gusto pa rin makatambal si Liza Soberano; may collab daw?

Inirerekomendang balita