Dobleng aksidente ang sinapit ng isang lalaking konduktor ng bus matapos siyang mabangga ng dalawang sasakyan sa General Trias, Cavite.
Ayon sa mga ulat, bumaba noon ng bus ang biktima na dapat daw pagarahe na nang bigla siyang mabundol ng isang kotse.
Bunsod umano ng mabilis na pangyayari, hindi na raw nakaiwas pa ang kasunod na dump truck at nasagasa at nakaladkad sa highway ang biktima.
Nahati ang bewang at itaas na bahagi ng katawan ng biktima kung saan tinatayang nasa apat na metro umano ang layo nito sa isa’t isa.
Samantala, agad namang nasakote ng pulisya ang driver ng kotse na unang nakasalpok sa biktima, habang patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa driver ng nasabing dump truck.