December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Hirit ni Bayani Agbayani tungkol kay Alex Gonzaga: 'Saksakan ng bobo!'

Hirit ni Bayani Agbayani tungkol kay Alex Gonzaga: 'Saksakan ng bobo!'
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT), Alex Gonzaga (IG)

Taliwas umano ang mga katangian ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa ate nitong si Toni Gonzaga ayon sa komedyanteng si Bayani Agbayani.

Sa latest episode ng online game show na “Ang Tanong” kamakailan, sinabi ni Toni na kung saan serye niya nakatrabaho si Bayani matapos niya itong ipakilala sa mga manonood bilang isa sa mga kalahok.

“Si Kuya Yani  nakatrabaho ko sa ‘Home Sweetie Home.’ Pero mas madalas kayo ni Alex magkatrabaho,” saad ni Toni.

“Oo,” sabi ni Bayani. “Saka ang kapatid mo ibang-iba sa ‘yo. Napakatalino mo. ‘Yong kapatid mo saksakan ng bobo.”

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

“Saka ang ingay. Wala namang laman ‘yong utak. Puro lang satsat,” dugtong pa niya habang natatawa.

Nagkasama sina Alex at Bayani sa ilang TV show tulad ng “I Can See Your Voice,” “Tropang LOL,” at sa pelikulang “Mary, Marry Me” kung saan naroon din si Toni.

Kaya naman hindi maitatanggi ang matatag na pagkakaibigan nina Alex at Bayani. Matatandaang  minsan nang napagkamalang nagkapikunan ang dalawa sa “I Can See Your Voice” ngunit pinabulaanan ito ng huli sa isang panayam.