Todo-kuwento ang Sparkle artist at ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata patungkol sa kaniyang Tall, Dark, and Handsome (TDH) na si Anthony Constantino.
Sa panayam niya kay multi-awarded GMA news anchor Mel Tiangco sa weekly drama anthology na “Magpakailanman” nitong Sabado, Agosto 9, inilahad ni Shuvee kung bakit malaki ang pasasalamat niya kay Anthony.
“Siya po ang nagdala sa akin sa church. As a Christian, siya po ang nagdala sa akin sa Christian church,” ani Shuvee.
“December lang po nasaktan ako, I was in my most depressive side tapos si Anthony po, dinala niya po ako sa church, kaya grateful po ako sa kaniya po,” dagdag pa niya.
Ibinulgar naman ng ex-PBB housemate na “patiently waiting” daw sa kaniya ang kaniyang co-artist sa Sparkle.
“I never had a boyfriend and siya po patiently waiting naman po siya,” aniya.
Dito niya rin kinumpirmang manliligaw nga niya si Anthony.
“Si Anthony [Constantino] manliligaw po, manliligaw,” anang Shuvee.
Matapos ito, nagbigay naman ng pahayag si Magpakailanman host Mel Tiangco.
“What’s wrong with that? Sa ganda mong ‘yan, mas magtataka ako kung wala kang manliligaw.”
Hindi rin naman itinanggi ni Shuvee na may pagtingin din siya sa kaniyang “TDH.”
Matatandaang lumabas ang dalawa bilang guests sa iba’t ibang shows sa GMA, na ikinatutuwa at ikinakikilig naman ng mga fans.
Na-feature na rin sa iba’t ibang balita ang “real score” sa dalawang Sparkle artist.
Vincent Gutierrez/BALITA