December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Vice Ganda kay Charo Santos matapos ma-meet si Hyun Bin: ‘Gabing-gabi ka na naman umuwi!’

Vice Ganda kay Charo Santos matapos ma-meet si Hyun Bin: ‘Gabing-gabi ka na naman umuwi!’
Photo Courtesy: Vice Ganda (FB), Charo Santos (IG)

Nakatikim ng kantiyaw ang batikang aktres at dating ABS-CBN President na si Charo Santos mula kay Unkabogable Star Vice Ganda.

Sa latest Instagram kasi ni Charo nitong Sabado, Agosto 9, ibinahagi niya ang video kung saan mapapanood na ang pagkikita nila ni South Korean star Hyun Bin sa Solaire Resort Entertainment City.

“Crash landed into this moment! I’m so happy to finally meet you Hyunbin! #Hyunbin #CharoSantos,” saad ni Charo sa caption.

Komento naman ni Vice Ganda, “Dear Charo, Balita ko ay gabing gabi ka na naman umuwi. At namataan kang kilig na kilig na may halong padyak dahil sa kakisigan ng lalaking yan.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

At talagang nakuha pa ni Vice na isingit ang kanilang concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na “Super Divas” para i-promote. 

“May baklang magtatanghal mamayang gabi sa Araneta ng naka tangga. Iniimbitahan ka nya. Gusto kong makita kung ganyan din ang magiging reaksyon mo sa kanya. Nawa’y mapaunlakan mo. Negmemehel,

Meme,” dugtong pa ng Unkabogable Star.

Wala pakiyeme namang sinakyan ni Charo ang pakulo ni Vice dahil sinagot niya ang komento nito sa IG post niya. 

“Dear Meme, Kita tayo memeyeng gabi. Last night I saw my oppa, tonight is for my katropa. Nagmemehel, Charo ” aniya.

Matatandaang ito ang kauna-unahang pagkakataong bumista si Hyun Bin sa Pilipinas para sa meet and greet sa mga Pilipinong tagasuporta nito.

Ayon sa kaniya, matagal na raw talaga niyang planong pumunta sa bansa. At sa paglapag niya nga sa Solaire, inakala raw niyang isa lamang itong karaniwang resort tulad ng marami. 

Ngunit aniya, "It's a place that we can make experiences, or make memories. And I always thought that would let more people know about the Solaire Resort World, a place for people to experience as well, and also witness these kinds of amazing things.”

Nakilala si Hyun Bin sa mga KDrama tulad ng “Secret Garden,” “Memories of the Alhambra,” at “Crash Landing on You.”

MAKI-BALITA: Hyun Bin, gagawa ng mas maraming proyekto para sa Pinoy fans