December 13, 2025

Home BALITA National

Umapela kay PBBM! Charo Santos, pinu-push ni Jam Magno maging DOT Secretary

Umapela kay PBBM! Charo Santos, pinu-push ni Jam Magno maging DOT Secretary
Photo courtesy: via MB/jam Magno (TikTok)

Nanawagan kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang kilalang social media personality na si Jam Magno patungkol sa pagkokonsidera sa aktres na si Charo Santos-Concio bilang kalihim ng "Department of Tourism" o DOT.

Sa TikTok video ni Magno, sinabi niyang ang nakikita raw niyang karapat-dapat sa posisyon ay ang aktres at dating ABS-CBN president.

Paliwanag ni Magno, taglay ni Santos ang brains, beauty, at management skills na minsan na niyang napatunayan nang hawakan niya ang top position sa ABS-CBN.

"This is a shoutout to President Bongbong Marcos... I'm sure you are pretty much aware that your Tourism Secretary is not performing well. I have a suggestion, Mr. President... Have you ever considered Charo Santos to be DOT Secretary? Relax! Let me explain why," anang Magno.

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

Binanggit pa ni Magno ang pagiging reservist ni Charo, bukod pa nga sa naging pamamalakad niya sa Kapamilya Network, na inilarawan ng social media personality bilang isa sa mga successful na kompanya sa Pilipinas.

"Which also means that she has entertainment, and of course, the undeniable management acumen," paliwanag pa ni Magno.

Bukod daw sa magandang work ethic, hindi raw nasangkot si Charo sa alinmang isyu ng korupsyon sa panahon ng kaniyang pangangasiwa sa network.

"She's guwapa, she's matalino, she has the background, and she got the talent of ABS-CBN! Ayaw mo no'n? You have the best in the entertainment industry..." pahayag pa ni Magno.

Samantala, sa hiwalay pang TikTok video, hinikayat pa ni Magno si Santos na baka puwede niyang ikonsidera ang kaniyang sinasabing pagiging DOT secretary.

Ang kasalukuyang kalihim ng Department of Tourism (DOT) ay si Christina Garcia Frasco.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Santos o maging si PBBM tungkol dito.