Napukaw ang atensyon ng publiko dahil sa mapa ng Pilipinas na ibinahagi ng isang travel company sa India bilang gabay ng mga turistang pupunta sa nasabing bansa.
Sa isang Facebook post ng EaseMyTrip.com noong Biyernes, Agosto 9, makikita sa nasabing mapa na tila minekus-mekus ang mga lugar sa Pilipinas na pinangalanan dito.
Ilan sa halimbawa ay ang Siargao na ang orihinal na lokasyon ay nasa Mindanao ngunit napunta sa Luzon samantala ang Banaue naman na matatagpuan sa bulubunduking rehiyon ng Cordillera sa hilagang Luzon ay nalipat sa lokasyon ng Palawan.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Literal na Minekus mekus yung mga lugar para sa mga Indian"
"Enjoy Coron, Lapu-Lapu! Travel safe"
"Akala ko Mayon lang ang nailipat, ang dami na pala."
"Change your name from 'easemytrip' to 'confusemytrip'"
"Confuse the tourists Confuse the locals"
"Rage bait ba to? "
"This is why you still need to hire real people and not rely on AI"
"Mula Coron hanggang Cebu Saan ka man ay halina kayu"
"Sometimes making a mistake gets more attention than doing something perfectly .."
"Y'all ever heard of a map? Or I don't know, google?"
"Even though you have put a disclaimer, still, that is misrepresentation. It is erroneous, and misleading. Do not do that especially when you deal with tourism. Geography is important. Department of Tourism - Philippines"
"Anong kagaguhan yan"
"You ll get lost that for sure! Hahhaa""Chatgpt create a map of Philippines hahahah"
Samantala, nagbigay naman ng disclaimer ang naturang travel company at sinabing for representational purposes lamang umano ang mapa.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 35k reactions at 10k shares ang post na ito ng EaseMyTrip.com.