January 26, 2026

Home BALITA

Romualdez sa ₱13M tulong ng US sa mga nasalanta ng bagyo: ‘Truly grateful!

Romualdez sa ₱13M tulong ng US sa mga nasalanta ng bagyo: ‘Truly grateful!
Photo courtesy: via MB, Pexels

Nagpahayag ng pasasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa milyon-milyong tulong na ibinigay ng United States sa bansa,  para sa mga nasalanta ng bagyo kamakailan.

Sa kaniyang pahayag nitong Sabado, Agosto 9, 2025, iginiit ni Romualdez na patunay lamang daw sa mabuting relasyon ng Pilipinas at US ang mga tulong na ipinapaabot nito sa bansa.

"This gesture from Washington reaffirms the US unwavering commitment to stand with the Filipinmo people in both good times and in times of great need," anang House Speaker.

Ayon sa US Embassy, tinatayang nasa ₱13.8 million ang ibinigay ng US para sa mga nasalanta at naapektuhan ng magkakasunod na bagyo at pagbaha sa iba't ibang parte ng Pilipinas.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Saad pa ni Romualdez, muli raw tumindig ang US para sa subok ng relasyon ng US at Pilipinas sa mga nagdaang panahon, lalo na sa oras ng pangangailangan.

"Our alliance with the US extends beyond defense and economic cooperation. It is a relationship built on genuine compassion and friend. Time and again, the US has stood by us in our greatest time of need, and for that we are truly grateful,' ani Romualdez.

Ayon pa sa mga ulat, tinatayang aabot na sa ₱27.6M ang humanitarian support na naibibgay ng US para sa disaster response ng Pilipinas.