December 15, 2025

Home SHOWBIZ

River Joseph sa pagiging tatay, peacemaker sa PBB: 'Gano'n talaga ako'

River Joseph sa pagiging tatay, peacemaker sa PBB: 'Gano'n talaga ako'
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Nagbigay ng reaksiyon ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 4th Big Placer na si River Joseph kaugnay sa bansag sa kaniya bilang tatay sa Bahay ni Kuya.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Sabado, Agosto 9, inungkat niya ang ginawang pag-awat ni River kalalakihang housemates nang minsan silang tumoma sa PBB house.

“Gano’n talaga ako, Mama Ogs. Even sa mga kaibigan ko. Most of the time, ako ‘yong nag-aalaga sa kanila kung lasing na sila saka kung may away. Ako talaga ‘yong parang gumigitna sa kanila,” lahad ni River.

“At feeling ko,” pagpapatuloy niya, “‘yon talaga ‘yong personality ko. Tapos nag-personality test din ako, Mama Ogs, a few years ago under ABS-CBN.”

Angelica Panganiban nagsising ni-reject Four Sisters and a Wedding role: 'Di naging maganda ending namin ni Angel’

Dagdag pa ni River, “‘Yon ‘yong mga personality na nakuha ko sa test na ‘yon, na peacemaker talaga ‘yong personality ko.”

Matatandaang isa si River sa mga housemate na pinag-usapan dahil napansin ng ilang netizens na kamukha umano siya ng Kapamilya artist na si JM  De Guzman.

MAKI-BALITA: Kahit hindi housemate: JM De Guzman trending dahil sa PBB

Bukod dito, kinaaliwan din ng mga fanney ang mga pilyo niyang hirit.

MAKI-BALITA: 'May hinawakan!' River naurirat kung ano agad ginawa pagkalabas ng PBB House