January 09, 2026

Home BALITA

PBBM, binengga kulang na abiso tungkol sa rocket debris ng China: 'Anong gagawin namin diyan!'

PBBM, binengga kulang na abiso tungkol sa rocket debris ng China: 'Anong gagawin namin diyan!'
Photo courtesy: Screengrab from RTVM, via AP News

Pinuna ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., ang kakulangan ng abiso tungkol sa pagpapalipad ng rocket ng China na nag-iiwan ng debris sa iba't ibang parte ng bansa.

Sa kaniyang press briefing nitong Sabado, Agosto 9, 2025, igniit ng Pangulo na walang interes ang bansa sa anumang rocket launching at rocket debris ng China.

"Hindi n'yo naman kailangang agawan sa amin 'yan eh [debris], anong gagawin namin diyan?" saad ng Pangulo.

Pagbibigay-diin pa niya, "So, sabihan n'yo kami kung saan dadaan yung rocket. Kung saan babagsak, at kukunin namin sa dagat tapos dadalhin namin sa inyo."

National

PBBM, bumida sa paglulunsad ng Project AGAP.AI sa QC

Bagama't bahagyang dismayado, tinitingnan na lamang daw ng Pangulo na walang nasaktan o tinamaan mula sa nasabing debris ng rocket launch ng China.

"The good side to all of these, wala namang casualty. Wala namang tinamaan, 'di naman nagkaproblema," ani PBBM.

Matatandaang noong Lunes, Agosto 4 nang magbabala ang Philippine Space Agency (PSA) hinggil sa posibilidad na pagtama ng mga debris mula sa naturang aktibidad ng China.

Maging ang Philippine Coast Guard (PCG) noong Martes, Agosto 5, ay kinumpirma ang tila limang pagsabog sa karagatan ng Palawan kung saan inasahang malalaglag ang nasabing mga debris.