December 21, 2025

Home BALITA Probinsya

Paresan sa Laguna, pinaulanan ng bala; sanggol, patay!

Paresan sa Laguna, pinaulanan ng bala; sanggol, patay!
Photo courtesy: Pexels

Patay ang isang 11-buwang gulang na sanggol matapos ratratin ng riding in tandem ang isang paresan sa San Pablo, Laguna noong Biyernes, Agosto 8, 2025.

Ayon sa mga ulat, nasa bandang 7:00 ng gabi nang mangyari ang insidente ng pamamaril. Habang kumakain ang iba pang nadamay, bigla umanong dumating ang gunman sakay ng motorsiklo. Pagpasok niya sa nasabing paresan, doon na raw siya walang habas na namaril.

Tinamaan ng bala sa bandang tagiliran ang sanggol na tumagos sa bahagi ng kaniyang balikat. Dalawa pa ang nadamay sa insidente kung saan isang 30-anyos na pares vendor ang tinamaan sa kanang braso at balikat habang isang 56 taong gulang na babae naman ang nasugatan sa kanang binti.

Mabilis na sumakay ng motorsiklo ang suspek dala ang kaniyang baril at saka tumakas.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Ayon sa mga awtoridad, agad na itinakbo sa Panlalawigang Pagamutan ng Laguna ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang nasabing sanggol.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad, lalo na't hindi pa raw nila tukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Naglunsad na rin ng dragnet operation ang mga awtoridad at kasalukuyang nire-review ang mga CCTV sa nasabing lugar.