Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lugar ng Eastern Samar nitong Sabado ng umaga, Agosto 9, ayon sa Phivolcs.
Naitala ng ahensya ang sentro ng lindol sa Taft, Eastern Samar bandang 9:44 ng umaga. May lalim itong 27 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naitala rin ng Phivolcs ang Intensity II sa naturang lugar.
Samantala, walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.