Nagpaabot ng mensahe ang South Korean star na si Hyun Bin sa kaniyang Filipino fans nang lumanding siya sa Grand Ballroom ng Solaire Resort Entertainment City sa Parañaque noong Biyernes, Agosto 8.
Sa isinagawang exclusive press conference sa naturang venue, pinasalamatan ni Hyun Bin ang fans at nangakong mas magiging mahusay na aktor bilang ganti.
“The unconditional and unchanging love and support I receive from Filipino fans, I am really, really grateful and honored to have this kind of support,” saad ni Hyun Bin.
Dagdag pa niya, “[W]ith this love, I want to give it back to you with more projects and, of course, a better actor. Thank you so, so much for all your love and support.”
Bukod dito, inihayag din ni Hyun Bin ang pelikulang bet niyang gawin sakaling bigyan ng pagkakataon na makapagdirek.
“If I give an opportunity, I wanna have a plot twist. Something that really has a plot twist, unexpected,” anang aktor.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong bumisita si Hyun Bin sa Pilipinas. Ayon sa kaniya, matagal na raw talaga niyang planong pumunta sa bansa.
At sa paglapag niya nga sa Solaire, inakala raw niyang isa lamang itong karaniwang resort tulad ng marami.
Ngunit aniya, "It's a place that we can make experiences, or make memories. And I always thought that would let more people know about the Solaire Resort World, a place for people to experience as well, and also witness these kinds of amazing things.”
Matatandaang nakilala si Hyun Bin sa mga KDrama tulad ng “Secret Garden,” “Memories of the Alhambra,” at “Crash Landing on You.”