Nauwi sa pananaksak ang paglalakad ng dalawang estudyanteng magkaklase sa Barangay Langgao, Cabucgayan, Biliran.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, naglalakad daw noon ang suspek at biktima nang bigla na lamang suntukin ng suspek ang 19 taong na biktima at saka inundayan ng saksak.
Hinala ng mga awtoridad, posible raw na napikon na ang suspek sa biktima dahil umano sa kakulitan nito.
Ligtas na ang biktima at patuloy na nagpapagaling matapos magtamo ng mga saksak sa kaniyang likod.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang nahaharap naman sa kasong frustrated homicide ang suspek.