Minsan na umanong napagkamalang may multiple personality disorder ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr Ranollo.
Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, naitanong niya kung ilang karakter ba ang ginagampanan ni Esnyr sa mga content nito.
Nakilala si Esnyr sa social media dahil siya ang nasa likod ng mga video na nagtatampok ng mga classic na eksena mula high school. Kaya naman kombinasyon ng aliw at nostalgia ang hatid niya sa kaniyang mga tagasubaybay at manonood.
“Sixteen po siya, actually,” natatawang sabi ni Esnyr. “Actually puwede na akong magtayo ng isang buong barangay [na] puro characters ko po lahat.”
Usisa tuloy ni Karen, “Hindi ka ba slightly psychotic?”
“May nag-diagnose na po sa akin dati online na may multiple personality disorder daw ako. [...] Wala po akong gano’ng background,” saad ni Esnyr.
Dagdag pa niya, “I am healthy po. Just to clear things up. Healthy naman po ako as a person. Pero ayun po, I just want love portraying lang po talaga.”
Ang multiple personality disorder o kilala rin sa tawag na dissociative identity disorder (DID) ay isang mental health condition ng taong may dalawa o higit pang personalidad na hiwalay sa isa’t isa.
Ilan sa mga sumikat na karakter ni Esnyr ay sina “Precious,” “Ma’am Castro,” “Charlotte,” “Balong,” at “Andrei.