December 20, 2025

Home BALITA Probinsya

CIDG personnel, na-headshot ng tiniktikang traffic enforcer

CIDG personnel, na-headshot ng tiniktikang traffic enforcer
Photo courtesy: Contributed photo

Patay ang 29 taong gulang na Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) personnel matapos siyang barilin ng minamanmanang traffic enforcer sa San Jose, Dinagat Islands.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang krimen noong Huwebes, Agosto 7, 2025 habang nagsasagawa ng surveillance ang biktima at isa pa niyang kasamahang CIDG personnel, na tiktikan ang suspek bunsod ng illegal possession of firearms.

Matapos ang ilan pang sandali, bigla na lang daw bumunot ng .45 caliber pistol ang nasabing traffic enforcer na suspek at saka nagpaputok.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang suspek na agad niyang ikinamatay. 

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Samantala, matapos tangkaing kuhanin pa ang baril ng biktima, agad ding nasawi ang suspek bunsod ng mabilis na pagganti ng putok ng isa pang pulis.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posible umanong natunugan ng suspek ang pagmamanman sa kaniya ng pulisya kung kaya't agad siyang nagpakawala ng putok.

Mariing kinondena ng CIDG ang sinapit ng kanilang personnel at nanindigang mas paigtingin pa raw nila ang mga operasyon laban sa loose firearms at kriminalidad sa bansa.