January 24, 2026

Home BALITA

Bus na may sakay na mga nakipaglibing, tumaob; 25 patay!

Bus na may sakay na mga nakipaglibing, tumaob; 25 patay!
Photo courtesy: Pexels

Hindi na nakauwi nang buhay ang 25 pasahero ng isang bus na nakipaglibing, matapos itong tumaob sa daan habang pauwi.

Ayon sa ulat ng ilang international news media outlet, nangyari ang aksidente sa galing ang bus sa Kakamega at patungo na raw sana sa Kisumu, Kenya.

Lumalabas sa imbestigasyon na matulin umano ang takbo ng nasabing bus hanggang sa nawalan na raw ng kontrol ang driver nito at saka sila bumulusok sa isang kanal dahilan upang sila ay tumaob.

Kabilang sa inisyal na datos ng mga awtoridad na 10 babae, 10 lalaki at isang batang babae ang dead on the spot.

Politics

Supporters ni ex-VP Leni, PBBM pinagsasanib-pwersa ni Trillanes sa 2028

Habang 29 na katao naman ang isinugod sa ospital matapos magtamo ng mga galos sa katawan ngunit kalaunan ay apat sa kanila ang binawian din ng buhay.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad, lalo na't nangyari raw ang aksidente sa isang accident prone area na bahagi ng kalsada.