December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ano at sino ang nagtulak kay Gina Alajar para gumamit ng droga noon?

Ano at sino ang nagtulak kay Gina Alajar para gumamit ng droga noon?
Photo courtesy: Screenshots from Usapang Real with Luchi /YouTube

Pasabog ang naging rebelasyon ng batikang aktres at direktor na si Gina Alajar patungkol sa kaniyang sarili, lalo na noong kabataan niya at nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista.

Sa panayam sa kaniya ni TV5 news anchor Luchi Cruz-Valdes noong Biyernes, Agosto 8, sa YouTube channel ng huli, inamin ni Gina na nalulong siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot noong mid 20s niya.

Nauntag siya ni Luchi tungkol sa maaga niyang pagsabak sa pag-aartista. Napag-usapan ang tinatawag na "child actor syndrome" o ilan daw sa mga nagsimula nang maaga sa showbiz ay naging dysfunctional ang buhay.

"Ikaw ba nakaranas ka nang gano'n?" tanong sa kaniya ni Luchi.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Bagay na sinang-ayunan naman si Gina.

"May part sa buhay ko na gano'n," aniya. "Especially noong bata-bata pa 'ko. I did drugs also, kung iyon ang gusto mong puntuhin."

Nagulat naman si Luchi sa sinabi ni Gina, at sinabi niyang hindi niya alam ang tungkol dito.

"Hindi lang 'yon, may asawa't anak na ko no'n," giit pa ni Gina.

"Napunta ako doon sa drugs because paniwala ko, if you cannot them, join them. 'Yong gano'n. So, I was with the person na nag-introduce sa akin sa gano'n, well sa umpisa mga simple-simple lang, na marijuana lang, 'yong gano'n, eventually siyempre naging curious, dahil may mga nauso, may mga pumasok na bagong droga, na-involve kami sa shabu, and I love it so much," kuwento pa ni Gina.

Ginagamit daw niya ang droga para manatiling gising sa puyatan, lalo na sa taping. Hindi raw siya nakaramdam ng pagkaantok lalo't kailangan ito, dahil nang mga panahong iyon, hindi raw nila alam kung anong oras matatapos ang trabaho.

Tumatagal daw ng 72 oras ang epekto ng droga kay Gina dahil hindi siya nakakatulog sa puyatan, at pagkatapos nito, ay nagkakaroon na siya ng hallucination. 

Nang matanong kung paano siya tumigil, sinabi ni Gina na may nangyari daw sa buhay niya at buhay may-asawa kaya nagdesisyon siyang tapusin na ang paggamit nito.

Si Gina ay dating misis ng aktor na si Michael De Mesa, at sila ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Ryan, Geoff at AJ Eigenmann na kasama rin nila sa showbiz.

Umalis daw siya sa bahay nila kasama ang mga anak upang nang sa gayon ay mahinto na ang paggamit niya ng droga. Kinailangan daw niyang putulin na ang koneksyon sa taong kasa-kasama niya sa paggamit ng ilegal at ipinagbabawal na gamot.

Hindi naman binanggit ni Gina kung sino ang tinutukoy niyang kasa-kasama sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.