Nakalulungkot ang ibinalita ng panganay na anak ng namayapang action star na si Rudy Fernandez at batikang aktres na si Lorna Tolentino na si Rap Fernandez, patungkol sa kaniyang tita na si Beth Fernandez.
Naganap ang sunog noong Miyerkules, Agosto 6 sa Sct. Rallos, Brgy. Laging Handa, Quezon City.
Mababasa sa Facebook post ni Rap ang tungkol sa kumpirmasyon ng malungkot na balitang ito.
Aniya, "Yesterday my father's sister Beth Fernandez died tragically in a house fire. Rest in peace, Tita Beth."
Mababasa naman ang pagbuhos ng mga mensahe ng pakikiramay mula sa iba't ibang personalidad mula sa showbiz, gayundin mula sa mga netizen.
Kinumpirma rin ito sa Facebook post ng anak ni Beth na si Joanna Fernandez Velayo.
"Today, my mother Teresa 'Beth' Fernandez (sister of Rudy Fernandez) passed away in a tragic fire at our home in Scout Rallos, Kamuning. Nasunog po ang buong bahay at dahil bedridden si Mama, hindi na po siya nasagip," aniya.
"Kasama rin pong nawala lahat ng gamit at ari-arian ng aming mga mahal sa buhay — Kuya Ramon Araneta, my sister Marybeth, Ronn ronn at pamangkin kong si OJ."
"We will announce soon kung icre-cremate po ba si Mama Beth o kung magkakaroon ng viewing."
"For those who would like to help in any way — cash donations or kahit anong gamit — sobrang malaking tulong po sa amin ngayon. Please PM me po."
Hindi na raw nakaligtas sa sunog ang biktima dahil bedridden na siya sa mahabang panahon.