May 22, 2026

Home BALITA National

Ramon Ang, nag-volunteer; bibili ng lupa para sa mga bahay, eskwelahan para malayo sa baha

Ramon Ang, nag-volunteer; bibili ng lupa para sa mga bahay, eskwelahan para malayo sa baha
Photo courtesy: screengrab from contributed video, MB file photo

Inihayag ng negosyante at San Miguel Chairman na si Ramon Ang ang kaniyang boluntaryong solusyon umano sa malawakang pagbaha sa Metro Manila.

Sa isang press briefing nitong Biyernes, Agosto 8, 2025, iginiit niyang nakahanda raw niyang bunutin sa kaniyang sariling bulsa ang pagbili ng mga lupa para sa mga eskwelahan at pabahay na apektado ng pagbaha.

“Ako po, San Miguel Ramon ANg, nag-vovolunteer ako ngayon. Ako na ang tutulong sa buong Metro Manila mag-solve ng baha at no cost to the people, at no cost to the government,” ani Ang.

Dagdag pa niya, “Kahit yung eskuwela, gusto mo, bibili na ako ng lupa, kapalit noon. Magtatayo ako ng kapalit na eskuwela. And yung housing, bibili na rin ako lupa para tayuan ang pabahay ng mga tao doon. Para lang alisin natin yung mga bahay at eskuwela sa ibabaw ng ilog.”

Ipinaliwanag din ni Ang na ang solusyon daw sa malawakang pagbaha sa Metro Manila ay ang pagtatanggal ng mga bara sa ilog.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Ang solusyon ng Metro Manila flooding is bara ng ilog at uung mga tinayong sheet pile o tinayong kalsada, kailangan alisin, linisin. Solve na ang baha sa buong Metro Manila!” aniya.

Dagdag pa niya, “At tanggalin yung mga kalsada, at saka yung housing at saka eskuwela sa ibabaw ng ilog.”

Matatandaang noong Hulyo nang muling nagkaroon ng pagbaha sa iba’t ibang parte ng bansa, partikular na sa Metro Manila bunsod ng magkakausnod na bagyo at habagat na nanalanta sa Pilipinas.