May 22, 2026

Home BALITA

Pangalawang bagyo ngayong Agosto, posibleng pumasok sa PAR sa Linggo

Pangalawang bagyo ngayong Agosto, posibleng pumasok sa PAR sa Linggo

Posibleng pumasok sa bansa sa darating na Linggo ang isang tropical storm na may international name na "Podul," na kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Biyernes, Agosto 8.

Sa press briefing ng PAGASA, as of 5:00 PM, kumikilos pa-West Northwest ang bagyong Podul. Kahit nasa labas pa ng PAR, unti-unti raw itong lalakas at maging severe tropical storm simula ngayong araw. 

May tsansa rin itong maging typhoon o malaka na bagyo bukas Sabado o Linggo. Posibleng pumasok sa PAR ang naturang tropical storm sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga. 

At kung sakaling pumasok na ang bagyo sa PAR, papangalanan itong "Gorio," ang ikalawang bagyo ngayong buwan ng Agosto, at ika-7 bagyo na pumasok sa bansa.

Nilinaw ng PAGASA na mababa ang tsansa na ito ay maging super typhoon o napakalakas na bagyo. Gayunman, maaari pa ring magbago ang track ng bagyo. 

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Samantala, as of 5:00 PM, patuloy na kumikilos pa-West Northwestward ang tropical depression "Fabian," na nabuo kaninang alas-8:00 ng umaga.

Huli itong namataan sa layong 245 kilometers West ng Laoag City, Ilocos. May taglay itong hangin na 45 km/h at pagbugsong 55 km/h.

Wala itong direktang epekto sa bansa dahil maliit lang ang bagyong Fabian, ayon sa PAGASA.

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo mamayang gabi.