June 07, 2026

Home BALITA National

Mataas na rating ng Kamara, dahil sa survey firm ng mga kaibigan ni ‘Tambaloslos’—Roque

Mataas na rating ng Kamara, dahil sa survey firm ng mga kaibigan ni ‘Tambaloslos’—Roque
Photo courtesy: screengrab from Harry Roque/FB, via HoR

Binoldyak ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga survey na nagpapakita raw ng magandang trust ratings ng Kamara.

Sa kaniyang Facebook video noong Agosto 7, 2025, tahasang iginiit ni Roque na pawang mga bayad daw ang survey firms na naglalathala ng nasabing survey results.

“Alam n’yo ang problema sa Kongreso, nagbabayad ng mga surveys na nagpapakita na tumataas daw ang kanilang trust ratings at approval ratings sa taumbayan. Ang hindi nila alam, hindi naman pinagkakatiwalaan ‘yang mga survey firms na ‘yan,” ani Roque.

Saad pa ni Roque, pawang malapit umano kay “Tambaloslos” ang nagmamay-ari ng mga survey firms na naglalabas ng magandang ratings para sa Kamara.

“Alam natin ngayon na pagmamay-ari ng mga tao na malapit kay Tambaloslos kaya natural pagdating ng mga surveys, ‘Ay wow! Tumaas ang trust rating na Kongreso. Wow! Tumaas ang approval rating.”

National

Sen. Win kay Sen Loren: 'We respect her opinion, pero matibay rin opinyon ng IBP!'

Matatandaang ayon sa survey ng OCTA research para sa buwan ng Hulyo, tuluyang nalampasan ng Kamara ang trustratings ng Senado matapos silang makakuha ng 57% trust ratings at 49% satisfaction rating.’