May 13, 2026

Home BALITA Metro

Lalaking customer, nanaksak ng barbero dahil sa chakang gupit!

Lalaking customer, nanaksak ng barbero dahil sa chakang gupit!
Photo courtesy: QCPD Station 14/Pexels

Sugatan at napuruhan ang isang barbero matapos saksakin sa pisngi ng kaniyang naging parukyano sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, dahil lamang sa gupit.

Batay sa salaysay ng nadakip na suspek, uminit ang ulo niya sa barbero dahil hindi raw niya sinunod ang sinabi niyang estilo ng haircut na gusto niya.

Dahil agad na naitawag sa 911 ang pangyayari, mabilis na nasukol at naaresto ang 27-anyos na suspek.

Bagama’t humingi na siya ng tawad, desidido ang biktima na itutuloy pa rin niya ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

Metro

Family driver, ninakawan amo ng ₱640k halaga ng alahas; bisto matapos ibenta online