May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

Basketball game ng kababaihan, pinauulanan ng d*ldo; players, yamot na!

Basketball game ng kababaihan, pinauulanan ng d*ldo; players, yamot na!
Photo courtesy: Pexels, contributed photo

Tukoy na ng mga awtoridad ang nasa likod ng pambabato ng mga sex toys sa mga player ng isang liga ng basketball.

Nangyari ang insidente ng magkakasunod na pambabato ng sex toys habang on going ang laro sa Women’s National Basketball Association (WNBA) kung saan isa sa pinakamaingay na insidenteng naitala ay nagmula sa basketball court ng Crypto.com Arena sa Los Angeles.

Mismong ang tagapagsalita ng isang crypto group ang umako sa magkakasunod na insidente bilang porma umano ng protesta.

Ayon sa grupo, nag-launch umano sila ng isang meme coin na tinawag na Green Dildo Coin (DILDO), isang meme coin bilang protesta raw sa “toxic environment” sa crypto world. Saad pa ng grupo, maging ang ilang manlalaro daw kasi ng basketball ay hirap sa kani-kanilang investment sa crypto dahil sa mga scammers at influencers.

Bunsod nito, sa basketball court ng WNBA nangyari ang magkaksunod na pambabato ng mga green dildo at iba pang color coordinated dildo bilang paghahanda raw sa launching nila noong Hulyo 28, 2025 habang naitala ang unang insidente ng pambabato sa WNBA game noong Hulyo 29.

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Ayon pa sa mga ulat, nagkaroon na raw ng anim na insidente ng pambabato ng mga dildo sa loob lamang ng dalawang linggo. Dalawang suspek na rin daw ang naaresto ng mga awtoridad.

Ilang manlalaro na raw ang nagrereklamo para sa kanilang seguridad at sexist remarks bilang mga kababaihang pinauulanan na lamang ng sex toys. 

Kinondena na ng WNBA ang nasabing insidente.