December 13, 2025

Home BALITA

Taga-Laguna, kumubra ng ₱21 milyong lotto jackpot prize

Taga-Laguna, kumubra ng ₱21 milyong lotto jackpot prize
(PCSO)

Kinubra na ng lucky winner mula sa Laguna ang napanalunan niyang mahigit ₱21 milyon sa Mega Lotto 6/45.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakailan, napanalunan ng taga-Laguna ang ₱21,538,656 premyo ng Mega Lotto na binola nito lamang Hulyo 16. Ang lucky ticket ay nabili sa isang lotto outlet sa San Pedro. 

Nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 44-30-12-24-06-35, na hango raw sa birthday ng mga kapatid nito. 

At makalipas lang ng ilang araw, Hulyo 28, nang kubrahin niya ang premyo sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City. 

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Sa kaniyang panayam sa PCSO, ibinahagi ng lucky winner na itatago niya muna sa bangko ang napanalunang pera. Wala pa aniya siya plano kung saan nito gagamitin ang napanalunan.

Samantala, binobola ang Mega Lotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.