December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Paolo Contis, nakipag-bonding sa dating misis at sa mga anak nila

Paolo Contis, nakipag-bonding sa dating misis at sa mga anak nila
Photo courtesy: Paolo Contis (IG)

Ibinida ng Kapuso actor-TV host na si Paolo Contis ang pakikipag-bonding niya sa ex-wife na si Lian Paz gayundin sa dalawa nilang mga anak na sina Xonia at Xalene.

Malaking tulay sa pagkakaayos nina Paolo at Lian ang kasalukuyang partner ng huli, na si basketball player John Cabahug.

Araw ng Huwebes, Agosto 7, nag-Instagram post si Paolo para magpaabot ng pagbati para sa kaarawan ni John, at pasalamatan na rin ito dahil sa pagkakaayos nila ng estranged wife, gayundin ng mga anak nila.

Nagpasalamat naman si Paolo sa couple dahil sa oportunidad na ibinigay sa kaniya, lalo na ang makasama ang mga anak kay Lian.

Tsika at Intriga

'Parang mga barbaro, taong yungib pa rin mag-isip!' John Arcilla, gigil sa mga bayolente sa aso

"Happy Birthday John! @johncabahug87" mababasa sa post ng aktor.

"I want to take this opportunity to thank you for allowing Lian and my kids nung araw na to. Oo, hinintay ko talaga ang birthday mo to publicly express my gratitude to you."

"@liankatrina , you have always been kind and forgiving. This is why hindi kayo pinabayaan ni Lord. I appreciate all your efforts in talking to John about that day. Thank you for being strong and for how you nurtured the kids to have beautiful hearts."

"John, I cannot thank you enough for this chance. I promise to have a constant communication sa inyong lahat. I will not waste this chance. Thank you for taking care of the kids. Please know that I am always here para sa inyong lahat."

"To more precious days like this."

"Happy Birthday John! Thank you for the friendship!" saad pa ni Paolo.

Sa comment section naman ay mababasa ang tugon dito ni Lian, na naglapag naman ng Bible verse.

"Romans 8:28 And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose," saad ni Lian.

13 taon nang hiwalay sina Paolo at Lian. Bandang Marso 2024 nang i-urong ni Lian ang petisyon sa korte na ipawalang-bisa ang kanilang kasal. kaya naman si John na ang kinilalang ama ng mga anak nila.

Matatandaang noong 2023, nagkaroon ng isyu na sinabi ni Lian na nais na raw ng mga anak nila ni Paolo na "ipatanggal" o ipabago ang kanilang surname na Contis, nang mag-post siya ng kaniyang congratulatory messages sa kaniyang Instagram para sa mga anak nila ni Paolo, na nakatanggap ng kanilang academic awards. 

Proud na proud si Lian sa naging academic achievement ng kaniyang mga anak, at ang pinasalamatan niya ay ang kasalakuyang karelasyon na si John Cabahug.

"Thank you daddy John Cabahug for the love and support for the girls. I am always thankful. I appreciate everything mahal! Congrats may bago mag high school na tayo na naman ," aniya.

Sa comment section, bumaha ng komento kung bakit "Contis" pa rin ang nakalagay na apelyido ng mga bata, gayong wala naman daw ambag sa anumang naabot nila ang ama nilang si Paolo.

"Bitbit pa apelyido wala naman ambag ahahaha anyway congrats.. you have long way to go.. Aim high!"

Tugon ni Lian, "Asking na nga po mga bata to have it changed."

KAUGNAY NA BALITA: Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

Pero mukhang sa post ni Paolo, tila nagkaayos na nga sila ni Lian.