December 18, 2025

Home BALITA

Mga residenteng 'ninakaw' cable wires matapos ang sunog sa Maynila, pinutakti

Mga residenteng 'ninakaw' cable wires matapos ang sunog sa Maynila, pinutakti
Photo courtesy: Contributed photo

Nagkalat sa social media ang video at ilang larawan ng umano’y mga residenteng kaniya-kaniyang diskarte sa pagkuha ng mga napatid na kable ng kuryente sa naganap na sunog sa Tondo, Maynila, kamakailan.

Ayon sa netizens, makikita sa video ang tila "aftermath" ng insidente.

Mapapanood kasi sa nasabing video na tila katatapos pa lamang maapula ang sunog nang magsipaglambitin at mag-akyatan ang mga residente sa nasabing lugar upang kuhanin ang mga nagsabit-sabit ng kable ng mga kuryente.

Ilang sandali pa, mapapanood pa rin sa video ang pagdating ng mga pulis kung saan nasapul ang tila kalalakihang nagta-tug-of-war sa kable. Kaniya-kaniyang takbo ang mga lalaki nang maispatan na nila ang mga pulis.

National

Bilang Pangulo at Commander-in-Chief: PBBM, ipinangako patuloy na modernisasyon ng AFP

Kaya naman ang netizens, tila hindi nakapagpigil sa comment sections na punahin ang nangyari umanong insidente.

“Sunog now, nakawan later!”

“Bayanihan is out, nakawan is in!”

“Sana binuksan na lang ng Meralco yung linya ng kuryente.”

“Jusko Yorme ‘wag n’yon hayaang makalusot mga garapal.”

“Dapat diyan hindi na ulit kinakabitan ng ilaw eh.”

“Yung mga nasunugan nasa evacuation center, tapos pagbalik nila pati kuryente limas na rin.”

Hinala ng ilan, posible umanong idiretso sa mga junk shops ang mga kable ng kuryente kung saan kilalang mataas ang bentahan bunsod ng tanso sa loob ng pinakakable nito.