December 20, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking naaksidenteng isasakay sa ambulansya, patay matapos salpukin ng lasing na rider

Lalaking naaksidenteng isasakay sa ambulansya, patay matapos salpukin ng lasing na rider
Photo courtesy: screengrab from contributed video

Doble ang aksidenteng sinapit ng isang lalaking criminology student na agad na kumitil sa kaniyang buhay sa Kidapawan City, North Cotabato.

Ayon sa mga ulat, naunang maaksidente ang biktima matapos niyang mabangga ang isang aso na bigla umanong tumawid sa kalsada. Sa lakas ng aksidente nawalan ng malay ang biktima na agad namang nasaklolohan ng rescue team.

Ngunit, habang nakahiga na sa stretcher ang biktima upang isakay na sana sa ambulansya, biglang tinumbok ng isang lasing na rider ang mismong puwesto ng biktima at dalawang rescuers. 

Mapapanood sa video na kuha ng ilang netizen kung paano nasagasaan mismo ng motor ang katawan ng biktima kung saan ang lasing na rider na ang napunta sa stretcher.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima habang dalawang rescuer naman ang nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan. Kumbinsido umano ang rescue team na buhay pa ang biktima noong nasagip nila ito mula sa unang aksidente at tuluyang namatay bunsod ng lasing sa rider.

Samantala, aminado naman ang rider na lasing siya nang mangyari ang aksidente. Ayon sa kaniya, pinagkamalan niya raw na tindahan ang ilaw ng nakatigil na ambulansya at huli na nang mapansin niyang may mga tao siyang maaararo.

Desidong magsampa ng reklamo ng mga kaanak ng biktima habang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang lasing na rider.