December 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Estudyanteng lalaki namaril sa classroom; binaril din sarili!

Estudyanteng lalaki namaril sa classroom; binaril din sarili!
Photo courtesy: Contributed photo

Binulabog ng insidente ng pamamaril ang loob ng isang paaralan sa Sta. Rosa, Nueva Ecija nitong Huwebes, Agosto 7, 2025.

Ayon sa mga ulat, isang lalaking estudyante na dayo umano sa naturang paaralan ang pumasok sa isang classroom at siyang namaril.

Tinarget umano ng nasabing lalaki ang isa pang estudyanteng babae na nasa edad 15 taong gulang. Gamit ang caliber .22 na baril, pinaputukan ng suspek sa leeg ang biktima.

Matapos barilin ang babaeng estudyante, agad ding binaril ng suspek ang kaniyang sarili.

Probinsya

Lalaki, arestado matapos masamsaman ng ₱13.6M halaga ng shabu, paraphernalia

Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad at ambulansya at mabilis naisugod ang biktima at suspek sa ospital. Kapuwa nasa kritikal na kondisyon ang dalawang estudyante.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa motibo ng nasabing krimen. Hinala ng pulisya, hindi raw maaaring isantabi ang anggulo na problema sa "pag-ibig" ang dahilan ng suspek.