December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Erpat, ermat ng jowa ni Bea Alonzo kasama sa pinakamayayaman sa Pinas

Erpat, ermat ng jowa ni Bea Alonzo kasama sa pinakamayayaman sa Pinas
Photo courtesy: MB

Kabilang ang mag-asawang business magnate na sina Lucio at Susan Co sa listahan ng "Philippines' 50 Richest," batay sa inilabas na listahan ng Forbes Magazine.

Batay sa ulat at datos, ang mag-asawang Co ay pumuwesto sa ikasiyam, na may kabuuang asset na US $3 bilyon.

Ang mag-asawang Co ay ang nasa likod ng tagumpay ng Puregold Price Club, isang chain of supermarkets at hypermarkets sa bansa na itinayo noong 1998.

Itinayo sa Mandaluyong City ang una nitong branch, at umusbong na sa iba’t ibang lugar sa bansa, na umaabot na ngayon sa 640.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Si Lucio ay ang chairman ng Cosco Capital, na nakapokus sa distribusyon ng alak at real estate business.

Katuwang nila ang kanilang anak na si Ferdinand Vincent Co, na ngayon ay ang itinalagang presidente ng Puregold.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Top 10 sa ‘Philippines’ 50 Richest ng Forbes ngayong 2025

Si Vincent ang boyfriend ngayon ng Kapuso star na si Bea Alonzo.

Mula na mismo kay Bea ang kumpirmasyong sila na nga ng businessman nang makapanayam siya ng GMA News noong Sabado, Agosto 2, sa idinaos na "GMA Gala 2025" sa Manila Marriott Hotel.

Umugong ang intriga tungkol sa bagong love life ni Bea nang maispatan silang magkasamang namamasyal sa ibang bansa, gayundin sa airport.

Untag ng tagapanayam kay Bea, “But for the record are you guys dating, is it a confirmation?”

“I think it’s very obvious, yeah, that we’re together,” pakli ni Bea.

Natanong naman ang aktres kung masaya siya sa estado ng buhay pag-ibig sa ngayon.

“Yeah, yes, I’m very happy and I think it’s all I can share,” sagot pa ng aktres.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang love life ni Bea nang mapurnada ang sana'y kasal nila ng ex-fiance na si Dominic Roque, sa hindi pa malamang kadahilanan.

Sa kasalukuyan ay masaya na rin ang buhay-pag-ibig ni Dominic dahil jowa niya ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez, na ex-girlfriend naman ng actor-politician na si Javi Benitez.

Sey naman ng mga netizen, bagay na bagay naman daw si Bea kay Vincent dahil bukod sa parehong good-looking, ay halos pantay naman din ang estado nila sa buhay, lalo't balitang-balitang bilyonarya na raw si Bea dahil sa dami ng mga ipon niya sa pag-aartista, at pagnenegosyo na rin.

Mukhang goods naman ang relasyon ng dalawa sa mga kaanak ni Vincent, dahil kamakailan lamang ay nakita pang kasama nila si Bea sa isang business event.

KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo sa relasyon nila ni Vincent Co: 'It's very obvious, we're together!'