December 13, 2025

Home BALITA

De Lima, hopya pa rin sa ilalabas na desisyon ng SC sa impeachment ni VP Sara

De Lima, hopya pa rin sa ilalabas na desisyon ng SC sa impeachment ni VP Sara
Photo courtesy: Leila de Lima/FB, MB file photo

Kumpiyansa pa rin si  Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Atty. Leila de Lima na hindi pa raw tapos ang laban sa usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa kaniya ng media nitong Huwebes, Agosto 7, 2025, iginiit niyang umaasa pa raw siya sa magiging desisyon ng Supreme Court.

“Para sa akin, in the meantime kasi nga may mga motions for reconsideration so hintayin din dapat yung resolution ng Supreme Court,” ani De Lima.

Dagdag pa niya, “Umaasa pa rin kami kahit marami ng nagsasabi wala ng pag-asa daw 'yon dahil unanimous. No! puwede pa.”

National

PBBM, ibinida bagong Banago Port sa Bacolod City!

Paglilinaw pa ni De Lima, kailangan lang daw seryosohin ng Korte Suprema ang pag-aaral ng SC sa mga argumentong ipinasa ng Kamara para sa motion for reconsideration.

“Basta seryosohin yung pag-aral nung mga argumento na inilahad sa mga motions for reconsideration,” aniya.

Noong Miyerkules, Agosto 6 naman nang tuluyang ikinasa ng Senado ang motion to archive sa impeachment ni VP Sara, kung saan nakatakda na lamang daw nilang buhayin ang impeachment kung sakaling magkaroon ng pagbabago sa magiging desisyon ng SC.

KAUGNAY NA BALITA: Sino-sino 19 senators na aprub sa pag-archive ng impeachment ni VP Sara?

Matatandaang ayon sa nasabing desisyon ng Korte Suprema, nilabag umano ng ikaapat na impeachment complaint ang one year rule at due process sa proseso ng isang impeachment.

“The SC has ruled that the House impeachment complaint versus VP Sara Duterte is barred by the one-year rule and that due process or fairness applies in all stages of the impeachment process,” saad ng nasabing desisyon.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, ‘di pa rin lusot sa mga kaso kahit ‘unconstitutional’ ang articles of impeachment—SC