December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ai Ai Delas Alas pumalag sa 'gen Zs' na nanlalait na gaya-gaya, papansin siya

Ai Ai Delas Alas pumalag sa 'gen Zs' na nanlalait na gaya-gaya, papansin siya
Photo courtesy: Ai Ai Delas Alas (FB)

Tila nakatikim ng salita ang bashers na "gen Z" ni Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas mula sa kaniya, dahil sa pang-ookray sa kaniyang pasabog sa nagdaang GMA Gala kamakailan.

Matatandaang bago i-reveal kung sino siya, may pataklob muna ng OA sa laking cape si Ai Ai, pero sadly, na-spoil agad kung sino siya dahil biglang lumitaw ang pangalan niya sa TV screen, na maaaring pagkakamali sa technicality.

May mga umokray naman kay Ai Ai na para daw may ginagawa siya, kagaya na lamang ng international artist na si Lady Gaga, na kilala rin sa mga out of this world pasabog kapag may performance siya.

Pero depensa ni Ai Ai, bago pa man siya sumabak sa showbiz, kilala na siyang "lukalukahan" pagdating sa mga pasabog na outfitan, noong nagtatrabaho pa siya sa mga comedy bar.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Flinex nga ni Ai Ai ang ilang throwback photos niya bilang "resibo."

"HELLO mga Gen Z 's.. mga baby girls, baby boys, little baklets and little tibambolbees, inform lang kayo ng MAMA AI AI nyo .. itong mga pictures nato mga 1987-1989 nag work ako as sing along master sa Music Box sa QC kung saan kasama ko si Arnel Ignacio .. tapos hindi ka naman mabubuhay sa isang sing along lang kinuha ako sa malate (STUDIO BAR ) .. ito ngang mga pictures ko naka costume ako parate natural ko yan gabi gabi iba iba outfit ko ..." aniya.

"Bakit kamo ?kasi yung may ari ng building 7 babae ang anak .. tapos si KAYO (rip).. sya yung nag manage ng building sabi nya halika bibihisan kita yung kakaiba ka.. kaya everyday ayan na nga ... lukalukahan ako and nasanay ako kahit nag ka club ako ganyan ako .."

"nag lalakad ako sa malate bilang walking distance ang studio bar to SUBWAY DISCO ( na napakasikat noon na lahat ng designers na sikat pumupunta dun at pag pumapasok ako nag papalakpakan hahaha) na HINDI NAMAN NILA AKO KILALA KUNG SINO AKO .. kaya mga bakla tuwang tuwa saken akala nila laruan ako ( minsan akala nila nag a adik ako ) hehe parate akong couture in my own version nakita nyo naman may sigarilyo pako sa buhok haha minsan may kopita na may tubig kung ano maisip ko ginagawa ko at sinusuot ko .. kaya mga mga bagets baka wala pa mga nanay at tatay nyo sa mundo ganito nako .."

"WALA akong ginagaya at hindi ako nag papansin natural ko na yan .. nag level up lang ako kasi may pera nakong pambili ng kung ano ano minsan nga pag nakikita ko Lady Gaga kilala kaya nya ko ginagaya kaya nya ko ??? Hahaha # feelingera .. ok bye," aniya pa.

At sabi pa niya sa bashers, huwag daw silang mag-alala dahil sasali ulit siya sa GMA Gala sa mga susunod pang taon na idaraos ito.