Sa modernong panahon ngayon, mabilis na tumataas ang bilang ng populasyon hindi lamang sa bansa, kung hindi pati na rin sa buong mundo. Tiyak na nakaaapekto ito sa iba’t ibang aspeto ng buhay, kung kaya’t nararapat na pigilan ang tuloy-tuloy na pagdami ng tao sa mundo.
Ngayong buwan ng Agosto, ginugunita ang importansya ng “Family Planning” sa bawat pamilyang Pilipino, na sumasaklaw din sa diskusyon kung ano nga ba ang “withdrawal method” at ang kahalagahan nito.
Sa artikulong matatagpuan sa website ng “Planned Parenthood Organization,” tinalakay ang iba’t ibang konsepto patungkol sa “withdrawal method.”
Ang “pulling out” o mas kilala bilang “withdrawal method” ay isang gawain na naglalayong pigilan ang pagbubuntis ng isang babae. Sa paraang ito, iniiwasang maipasok ang semilya o katas ng lalaki sa loob ng katawan ng babae, sapagkat maaaring ma-fertilize ng “sperm” ang “egg cell” na mayroon ang babae kung ito ay hindi inaasahang makapasok sa “reproductive organ” ng babae.
Mas lalong nagiging epektibo ito kung ang lalaki ay gumagamit ng isa pang birth control method, tulad ng condom. Sa paraang ito, kung sakali mang may lumusot na likido o semilya nang hindi napapansin, may condom na sasalo sa mga ito at maiiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Paano ang tamang paggamit ng condom?-Balita
Pinaalala naman ng nasabing organisasyon na tanging pagkabuntis lamang ang kayang pigilan ng withdrawal method, ngunit ang pagpasa ng sexually transmitted diseases (STDs) ay posible pa rin.
Ilan sa mga ito ay “genital warts” at “herpes” na naipapasa sa pagkakadikit ng mga balat, at “chlamidya,” “syphilis,” at “gonorrhea” na posible namang maipasa sa pamamagitan ng paunang katas o “precum.”
Tulad ng sa withdrawal method, magagamit ang condom upang maiwasan ang mga STDs na nabanggit. Puwede rin ang paggamit ng ring or pill, upang sigurado na maiwasan ang pagbubuntis.
Tinalakay din ng Mayo Clinic kung ano pa ang ibang benepisyo ng withdrawal method:
1. Libre at “readily available”
Ang pagsasagawa ng withdrawal method ay hindi nagre-require na maglabas ng pera. Ang tanging inilalabas lamang dito ay ang ari ng lalaki, kung lalabas na ang semilya nito. Sa paraang iyon, maiiwasan ang unwanted pregnancy matapos iyong gawin.
2. Wala itong side effects
Ang withdrawal method ay ligtas na gawin at siguradong walang side effects, dahil hindi naman ito nagre-require ng pamahid o kahit ano pang kasangkapan habang ginagawa ang bagay na iyon.
3. Hindi nito kailangan ng reseta
Ang withdrawal method ay naisasagawa kahit walang reseta, sapagkat hindi naman ito kailangang samahan ng gamot na iinumin bago iyon gawin. Ngunit ang paggamit ng iba pang contraceptives na mas makatutulong sa unwanted pregnancy ay maaaring isabay sa method na ito upang mas mapababa ang risk ng pagbubuntis.
Mahalaga na malaman ng bawat isa ang konsepto ng withdrawal method dahil hindi lamang ito para sa kapakinabangan ng dalawang tao, ngunit ito ay para din sa buong komunidad.
Iwasan ang unwanted pregnancy, upang hindi ka magsisi sa huli.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga pagkaing makakatulong para makapagpalabas ng maraming ‘katas’-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA