Abot-tainga ang ngiti ni The Voice USA Season 26 grand winner Sofronio Vasquez matapos makipagkita sa mga bigating music artist na sina David Foster, Michael Buble, at Paul Anka.
Makikita sa Facebook post ni Vasquez ang group photo nila nitong Miyerkules, Agosto 6, kasama ang prodyuser na si Jorge Vivo.
“[F]or sometime, [I] thought something like this would only be possible in a dream. And here [I] am with them. I can't wait for all of you to hear the music we made. [C]oming soon!,” ani Vasquez sa caption.
Bago ang post na ito ni Vasquez, nagbahagi muna siya sa kaniyang Facebook account ng isang video kasama sina Anka at Buble papunta sa kanilang dinner area.“Just in case, I'm not believing myself right now,” aniya sa caption.
Matatandaang kamakailan, inanunsyo ni Sofronio na ang kaniyang “The Voice” coach at mentor na si Buble ang magpro-produce ng kaniyang unang EP.
KAUGNAY NA BALITA: Michael Bublé, tutulungang magka-bilyon si Sofronio Vasquez-Balita
Si Vasquez ang kauna-unahang Pinoy at lalaking Asyano na nanalo sa kompetisyon.
KAUGNAY NA BALITA: Sofronio Vasquez, wagi sa The Voice USA-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA