Hindi pinaboran ng mayorya ng mga kasamahang senador si Senate Minority Leader Tito Sotto III matapos niyang mag-mosyon sa inihaing mosyon ng bagong senador na si Sen. Rodante Marcoleta na i-archive na lamang ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte, sa isinagawang sesyon ng Senado ngayong Miyerkules, Agosto 6.
Kung matatandaang, ibinasura ng Korte Suprema ang ikaapat na impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo, dahil sa "unconstitutionality."
Naghain naman ng motion to reconsideration ang House of Representatives (HOR) laban dito.
Nagdebate naman ang mga senador kung magpapatuloy pa ba sila sa pag-convene bilang Senate impeachment court hinggil sa impeachment. Si Marcoleta, na nakatalaga sa kaniyang privilege speech, ay naunang iminungkahi ang dismissal ng kaso.
“And so the Supreme Court has already spoken, the last arbiter of law. It says the complaint is unconstitutional, is void ab initio, is violative of due process. The Senate never acquired jurisdiction over this. It is immediately executory. And on that note, Mr. President, I respectfully move that the impeachment complaint be dismissed,” saad ni Marcoleta.
KAUGNAY NA BALITA: Marcoleta ipinababasura na impeachment ni VP Sara: 'Supreme Court has already spoken!'
Subalit sa bandang huli, ay sumang-ayon ang bagong senador na i-archive na lamang ang kaso sa halip na i-dismiss.
Ito ay matapos ang paliwanag ni Sen. Alan Peter Cayetano na ang paglalagay ng impeachment complaint sa archives ay nangangahulugang itinuturing na itong patay, ngunit maaari pa rin itong buhayin kung babaligtarin ng Korte Suprema ang desisyon nito.
KAUGNAY NA BALITA: Sagot ni Sotto sa mosyon ni Marcoleta: ‘Let us not dismiss forthwith!’
Dito na nag-mosyon si Sotto na i-table o isantabi ang mosyon ni Marcoleta na i-archive ang kaso. Nagkaroon naman ng botohan sa panig ng mga senador. Limang senador ang bumoto ng "Yes" na pumapabor sa pag-table ng mosyon ni Marcoleta sa pag-archive ng kaso (kabilang ang sarili niya) habang 19 naman ang "No."
Ang mga senador na nag-"Yes" o pumanig kay Sotto ay sina:
- Sen. Bam Aquino
- Sen. Risa Hontiveros
- Sen. Panfilo Lacson
- Sen. Kiko Pangilinan
Habang ang 19 na senador na tumutol sa mosyon ni Sotto ay sina:
- Sen. Alan Peter Cayetano
- Sen. Pia Cayetano
- Sen. Bato Dela Rosa
- Sen. JV Ejercito
- Sen. Jinggoy Estrada
- Sen. Win Gatchalian
- Sen. Bong Go
- Sen. Lito Lapid
- Sen. Loren Legarda
- Sen. Rodante Marcoleta
- Sen. Imee Marcos
- Sen. Robin Padilla
- Sen. Erwin Tulfo
- Sen. Raffy Tulfo
- Sen. Joel Villanueva
- Sen. Camille Villar
- Sen. Mark Villar
- Seb. Migz Zubiri
- Senate President Chiz Escudero
Matapos nito, sumunod na pinagbotohan kung sino-sino ang pabor sa mosyon ni Marcoleta na i-archive ang impeachment case ni VP Sara.
Ang apat na senador na nag-"No" sa pag-archive ay sina:
1. Sen. Bam Aquino
2. Sen. Risa Hontiveros
3. Sen. Kiko Pangilinan
4. Sen. Tito Sotto III
Ang 19 na senador na pumabor o "Yes" sa pag-archive ay sina:
1. Sen. Alan Peter Cayetano
2. Sen. Pia Cayetano
3. Sen. Bato Dela Rosa
4. Sen. JV Ejercito
5. Sen. Jinggoy Estrada
6. Sen. Win Gatchalian
7. Sen. Bong Go
8. Sen. Lito Lapid
9. Sen. Loren Legarda
10. Sen. Rodante Marcoleta
11. Sen. Imee Marcos
12. Sen. Robin Padilla
13. Sen. Erwin Tulfo
14. Sen. Raffy Tulfo
15. Sen. Joel Villanueva
16. Sen. Camille Villar
17. Sen. Mark Villar
18. Sen. Migz Zubiri
19. Senate President Chiz Escudero
Isang senador na nag-abstain sa pag-archive:
1. Sen. Panfilo Lacson