December 17, 2025

Home SHOWBIZ

Sandro Muhlach, ‘di dumalo sa GMA Gala 2025 kahit imbitado

Sandro Muhlach, ‘di dumalo sa GMA Gala 2025 kahit imbitado
Photo Courtesy: Sandro Muhlach (IG), Sparkle GMA Artist Center (FB)

Inimbitahan umano si Kapuso Sparkle artist Sandro Muhlach para dumalo sa ginanap na GMA Gala 2025 noong Agosto 2, ayon kay showbiz insider Ogie Diaz.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Martes, Agosto 5, inispluk ni Ogie ang naturang tsika.

“To be honest, si Sandro Muhlach ay invited. Pero pinili ng bata na huwag um-attend. Kasi una, kung a-attend siya, maaalala na naman niya,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Pangalawa, pagpipiyestahan na naman siya. Siyempre, itatanong na naman do’n ‘pag may naka-corner sa kaniya. ‘O, anong feeling naka-attend ka na naman? Wala bang nag-imbita after Gala?’ So, ayaw na niya nang gano’n.”

‘Para sa mga tulad ni Anecito ang aklat:’ Atom Araullo, tinupad wish ng security guard

Ngunit—ayon sa showbiz insider—dumalo raw ang jowa ni Sandro na si Shanelle Agustin.

Matatandaang nagsimula ang isyu ni Sandro nang maglabas ng blind item ang Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Hulyo 2024 tungkol sa baguhang aktor na ginawa umanong “midnight snack” ng dalawang TV executives.

Ito ay matapos ang ginanap na GMA Gala noong nakaraang taon sa Manila Marriott Manila sa Pasay City.

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?

Kasunod nito ay nagbigay ng pahayag ang GMA Network kaugnay sa kumakalat na artikulo matapos itong pag-usapan sa iba’t ibang social media platform.

MAKI-BALITA: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist

Dahil sa nangyari, nagsampa ng kaso ang kampo ni Sandro laban sa mga umano’y humalay sa kaniya. 

MAKI-BALITA: Sandro Muhlach, nagsampa ng kaso vs GMA independent contractors

Samantala, nakiusap naman ang mga akusado sa publiko na respetuhin ang proseso ng imbestigasyon hinggil sa nasabing isyu at huwag magpakalat ng mga walang basehang paratang.

MAKI-BALITA: GMA independent contractors sa kinasasangkutang isyu: 'Respect the investigation'

Kalaunan, inimbestigahan sa Senado ang kaso ni Sandro sa pangunguna ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamunuan ni Senador Robin Padilla.

MAKI-BALITA: Umano'y sexual harassment kay Sandro Muhlach, iimbestigahan ng Senado

At noong Pebrero, dinesisyunan ng Pasay Regional Trial  Court 114 na ibasura ang inihaing motion to quash nina Jojo Nones at Richard Cruz sa kasong sexual assault.

MAKI-BALITA: Korte, ibinasura motion to quash ng dalawang akusado sa kaso ni Sandro Muhlach