January 04, 2026

Home BALITA Internasyonal

Pinoy na namasyal lang sa Hong Kong, patay matapos mabangga ng taxi!

Pinoy na namasyal lang sa Hong Kong, patay matapos mabangga ng taxi!
Photo courtesy: Screenshots from ABS-CBN News

Malala ang naging pinsala ng isang 35-anyos na Pilipinong turista matapos aksidenteng mabangga ng isang taxi habang naglalakad sa Tsuen Wan West sa Hong Kong noong Martes, Agosto 5, batay sa kumpirmasyon ng Philippine Embassy nitong Miyerkules, Agosto 6.

Sa inilabas na video ng ABS-CBN News, makikita sa video na habang naglalakad ang lalaki bitbit ang maleta palabas ng tinutuluyang hotel, bigla na lamang ay dumating na taxi na bumangga sa kaniya.

Makikita ring habang naglalakad siya ay tila gumagamit siya ng cellphone kaya hindi na siya nakaiwas sa paparating na taxi, na sumalpok sa kaniya.

Sa sobrang lakas ng impact, nasira ang haligi ng establishment na kinabanggaan ng taxi,

Internasyonal

‘Be mindful!’ PH Embassy, nagbaba ng abiso para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Venezuela

Batay sa mga naglabasang ulat, nakaramdam umano ng pagkahilo ang driver ng taxi na 80-anyos na, kaya nawalan siya ng kontrol sa minamanehong sasakyan.

Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakikipag-ugnayan na ang konsulado ng Pilipinas sa mga awtoridad sa Hong Kong upang masusing imbestigahan ang insidente, habang patuloy namang tinutulungan ang pamilya ng biktima.

Inaasahang darating sa Hong Kong sa mga susunod na araw ang pamilya upang asikasuhin ang pag-uwi ng mga labi ng kanilang mahal sa buhay.