December 13, 2025

Home BALITA National

Pasaherong may National ID, libre ang sakay sa MRT-3 sa lahat ng Miyerkules ngayong Agosto

Pasaherong may National ID, libre ang sakay sa MRT-3 sa lahat ng Miyerkules ngayong Agosto

Magandang balita dahil nagkakaloob ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay sa lahat ng araw ng Miyerkules ngayong buwan ng Agosto para sa mga pasaherong gagamit ng National ID sa pagsakay sa kanilang mga tren. 

Sa abiso ng MRT-3, sinimulan ang libreng sakay nitong Miyerkules, Agosto 6, at ipatutupad sa mga susunod pang Miyerkules ng Agosto, o sa mga petsang Agosto 13, 20 at 27.

Nabatid na epektibo ang nasabing libreng sakay simula 9:00AM hanggang 11:00AM at mula 6:00PM hanggang 8:00PM.

Upang mai-avail ang libreng sakay ay kailangan lamang iprisinta ang physical card, printed paper, o digital copy version ng National ID sa security personnel sa service gate ng mga istasyon.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Ang Libreng Sakay ay alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na mapalaganap ang paggamit ng National ID, para sa mas madaling mga transaksiyon, pampubliko man o pribado, at mas mabilis at inklusibong paghahatid ng mga serbisyong panlipunan,” anang MRT-3.

“Maaaring iprisinta ang physical card, printed paper, o digital copy version ng National ID sa security personnel sa service gate ng mga istasyon upang makatanggap ng Libreng Sakay.

Ingat po sa biyahe, mga ka-riles!” anito pa.