December 12, 2025

Home BALITA

OVP, 'di masagot kung nasaan si VP Sara: 'Who knows she can just be right in the office!'

OVP, 'di masagot kung nasaan si VP Sara: 'Who knows she can just be right in the office!'
Photo courtesy: screengrab from OVP/FB, MB file photo

Tila hindi masagot ng Office of the Vice President (OVP) kung nasaan na raw si VP Sara Duterte.

Sa press briefing ni OVP spokesperson Ruth Castelo nitong Miyerkules, Agosto 6, 2025, iginiit niyang babalikan na lamang daw niya ang mga tanong ng media patungkol sa kasalukuyang kinaroroonan ng Pangalawang Pangulo.

Nang tanungin si Castelo kung nasaan si VP Sara at kung matutuloy pa raw ang pagbisita niya sa Kuwait, sagot ng OVP spox, “Let me verify that information, we’ll get back to you on that one.”

Nang muli namang linawin ng reporter kung nasa Pilipinas ang Bise Presidente, tila malamyang sagot muli ang binitawan ni Castelo.

National

Palasyo, itinangging pang-optics, propaganda lang ang Anti-Dynasty bill

“I will get back to you on that one,” aniya.

Nilinaw rin ni Castelo na bigo raw nilang matagpo si VP Sara sa Marinduque kamakailan bunsod umano ng malakas na alon dahil ang sasakyan daw nila ay roro.

Isang miyembro rin ng media ang nagtanong kung nasa labas nga ba ng bansa si VP Sara at kung kumusta na raw ang lagay nito.

“Sige, we'll get back to you on that before we end this conference,” ani Castelo.

Muling pahabol na tanong ng media, “ Is she just here?”

Sagot naman ni Castelo, “Who knows? She can just be right in the office. A few steps away.”

Matatandaang nitong Miyerkules din nakatakdang pagdebatihan ng Senado kung iraratsada pa nila ang impeachment ni VP Sara kaugnay ng naging desisyon ng Supreme Court (SC) na ideklara itong unconstitutional.

KAUGNAY NA BALITA:  VP Sara, ‘di pa rin lusot sa mga kaso kahit ‘unconstitutional’ ang articles of impeachment—SC