December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Maui, Joshua minalisya: 'Ang pinatangkad at ang nagpatangkad!'

Maui, Joshua minalisya: 'Ang pinatangkad at ang nagpatangkad!'
Photo Courtesy: Maui Taylor (FB)

Nakakaloka ang hirit ng mga netizen sa picture nina dating Viva Hot Babes Maui Taylor at Kapamilya Star Joshua Garcia nang magkasama.

Sa isang Facebook post ni Maui noong Martes, Agosto 6, naghayag siya ng paghanga kay Joshua nang magkita sila sa ELG building ng ABS-CBN.

“Hayyyyy grabe naman sa gwapo ng katabi ko” saad ni Maui sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing larawan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Lee Victor, Iñigo Jose nagbabu na sa Bahay ni Kuya

"Pakitanong po si Joshua kung sino nagpatangkad sa kanya nung kabataan nya? "

"Ikaw dahilan kung bkt tumangkad po sya maam "

"Pinag palit mo nnman ako sa matangkad kala ko ikaw lng malaki mahal "

"isa yan sa mga napatangkad mo ninang "

"Ang itinakdang pagkikita ng 'Ang pinatangkad at ang nagpa tangkad'"

"Tumangkad ng ganyan si Joshua dahil sayo Maui"

"Selos na ko babe"

"Wag mong subukan kakainin ka nyan"

"grabe hnd ka tumatanda Mau."

"Bat mo pinost picture natin? Maui Anne Taylor sabi ko satin lang e"

Matatandaang nakilala si Maui dahil sa mga sexy movie na pinagbidahan niya tulad ng “Gamitan,” “Hibla,” “Sex Drive,” “Torotot,” at marami pang iba.