December 18, 2025

Home BALITA Probinsya

Lapastangan? Babaeng vlogger pinanggigilan, umano'y dumura sa holy water ng simbahan

Lapastangan? Babaeng vlogger pinanggigilan, umano'y dumura sa holy water ng simbahan
Photo courtesy: Screenshots from News5 (FB)

"Pati simbahan ginawang content?"

Sarado muna sa publiko ang Parish Church of St. John the Baptist sa Jimenez, Misamis Occidental, matapos masangkot ang simbahan sa isang kontrobersiyang kinabibilangan ng isang babaeng content creator.

Batay sa ulat, habang kinukuhanan ng video ang kaniyang vlog noong Linggo, Agosto 4, makikitang dumura umano ang 28-anyos na isang babaeng vlogger sa agua bendita ng simbahan—isang aksyong ikinagalit ng maraming deboto.

May humigit-kumulang 115,000 tagasubaybay ang naturang vlogger, na karaniwang gumagawa ng mga nakakatawang video online.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Gayunpaman, matapos umani ng matinding puna mula sa netizens at mga taong simbahan, agad niyang inalis ang nasabing video sa kaniyang social media.

Kinondena at tinawag ni Archbishop Martin Sarmiento Jumoad ang insidente bilang isang uri ng pambabastos sa mga bagay na itinuturing na banal sa pananampalatayang Katoliko.

Galit at gigil naman ang mga netizen, lalo na ang mga Katoliko, laban sa nabanggit na babaeng vlogger.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang nabanggit na babaeng vlogger tungkol sa isyu.