December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Juday pinagluto ABS-CBN bosses, pero parang may 'niluluto' rin para sa kaniya

Juday pinagluto ABS-CBN bosses, pero parang may 'niluluto' rin para sa kaniya
Photo courtesy: Judy Ann Santos (IG)

Napapaisip ang mga netizen kung bakit nakipagkita ang tinaguriang "Queen of Pinoy Soap Opera" na si Judy Ann Santos-Agoncillo sa mga boss niya sa ABS-CBN, na sina ABS-CBN Chief Executive Officer (CEO) at President Carlo Katigbak at Chief Operating Officer (COO) for Broadcast Cory Vidanes.

Kung babasahin ang Instagram post ni Juday, pinagluto raw niya ang dalawang boss niya nang magkita sila. Hindi ipinaliwanag ni Juday ang dahilan o agenda ng kanilang pagkikita-kita.

"Cooked lunch for my bosses and my dear madr bibs. timing ang ulan sa lunch feast na ginawa ko," mababasa sa caption ni Judy Ann.

Sa comment section ng post, marami naman sa mga netizen ang nagbigay ng espekulasyong mukhang may "niluluto" ang Kapamilya Network para sa kaniya.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

"Wowww...mukhang may niluluto rin cla for you Ate..."

"Gawa kna ulit teleserye Queen"

"Wowwwwwwww excitinggggg. Pleaseee gawa kana ng movie or teleserye."

"Excited for this."

Matatandaang ang huling proyekto ni Juday sa ABS-CBN ay pagho-host ng "Paano Kita Mapapasalamatan."

Bumida rin siya sa teleseryeng "Starla" kung saan gumanap siya bilang isang abogado.