January 25, 2026

Home BALITA

'Hindi sinanto!' Nagdarasal na guro sa simbahan, ninakawan!

'Hindi sinanto!' Nagdarasal na guro sa simbahan, ninakawan!
Photo courtesy: Contributed photo

Balewala sa isang kawatan ang simbahan matapos niyang nakawan ang nagdarasal na teacher sa Northern Samar.

Ayon sa mga ulat, nakuhanan ng CCTV ang mismong pagtangay ng lalaking suspek sa gamit ng biktima.

Mapapanood sa CCTV footage kung paano tiniktikan ng suspek ang biktima at saka dahan-dahang lumapit. Bagama't hindi na makikita sa nasabing footage kung paano kinuha ng suspek ang gamit ng biktima, makikita sa sumunod na footage ang dali-daling paglabas ng suspek na dala-dala na ang mga gamit ng naturang guro.

Mabilis namang naihingi ng tulong ng biktima sa mga awtoridad ang nangyari sa kaniya loob ng simbahan.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Matapos ang ikinasang imbestigasyon, nasakote ng pulisya ang suspek kung saan tanging ang mga IDs na lamang ang narekober na gamit ng biktima. Tinatayang nasa ₱2,000 ang natangay ng nasabing kawatan.