December 13, 2025

Home BALITA Metro

Fetus na nakita malapit sa isang paaralan, nangangamoy na!

Fetus na nakita malapit sa isang paaralan, nangangamoy na!

Nangangamoy at nangingitim na nang matagpuan ang isang fetus nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 6.

Nadiskubre ito ng street sweeper na si Mailene Leyson dakong alas-7:45 ng umaga sa pagitan ng Zaragosa footbridge at pader ng Rosauro Almario Elementary School sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District (MPD), nabatid na kasalukuyang abala sa pagwawalis ng mga basura sa lugar si Leyson nang may maamoy siyang masangsang sa naturang lugar.

Nang alamin ang pinagmumulan ng mabahong amoy ay dito na tumambad sa kaniya ang fetus kaya’t kaagad na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Hindi pa naman tinukoy ng mga awtoridad ang kasarian at edad ng fetus.

Masusi na rin silang nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nagtapon ng bangkay ng naturang fetus sa naturang lugar.