December 21, 2025

Home BALITA Probinsya

Beauty Queen sa Leyte, natagpuang hubo't hubad sa dagat

Beauty Queen sa Leyte, natagpuang hubo't hubad sa dagat
Photo courtesy: Contributed photo

Natagpuang patay at palutang-lutang sa dagat ang hubo’t hubad na  katawan ng nawawalang babae sa Leyte.

Ayon sa mga ulat, noong Hulyo 31, 2025 unang napaulat na nawawala ang biktima na napag-alamang dating beauty queen mula Ormoc City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakuhanan pa ng CCTV ang huling footage ng biktima na makikitang sapilitan umanong isinakay sa isang kotse. 

Habang noong Martes, Agosto 5 nang makita ang wala nang buhay na katawan ng biktima na bukod sa nakahubad ay balot din ng duck tape ang kaniyang mukha at nakatali ang paa at kamay. Bloated at lawit na rin daw ang dila ng biktima nang naiahon ito mula sa dagat.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Tanging ang mga tattoo na lamang daw sa katawan ng biktima ang nagbigay ng pagkakakilanlan sa kaniya upang makilala ng kaniyang mga kaanak.

Samantala, bagama’t naplakahan na raw ng mga awtoridad ang sasakyang hinihinalang dumukot sa biktima, wala pa umano silang lead para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.