December 18, 2025

Home BALITA Probinsya

Babaeng vlogger na 'dumura' sa holy water: 'Nag-wish lang ako!'

Babaeng vlogger na 'dumura' sa holy water: 'Nag-wish lang ako!'
Photo courtesy: Screenshot from News5 (FB/YT)

Nagbigay ng pahayag ang babaeng content creator na si Thine Medalla matapos kumalat at putaktihin ang kaniyang viral video kung saan inakusahan siya ng pandudura sa lagayan ng holy water sa isang simbahan sa Misamis Occidental.

Ayon kay Thine, sa panayam ng News5, wala siyang ginawang pandudura sa lagayan ng holy water at hindi niya kailanman plano na gawin ang ganitong uri ng kilos.

Aniya, hindi raw siya dumura kundi napatingin lamang sa lalagyanan ng holy water at nag-wish. Hindi raw niya magagawa ang paglapastangan sa simbahan para lang sa views.

"Kumuha ako ng sobre tapos binalik ko kaagad tapos tumingin ako sa holy water kasi nag-wish ako doon sa holy water,” paliwanag niya sa panayam ng media outlet.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

“Hindi ko po gagawin 'yon para lang for the views... hindi po ako masamang tao," dagdag pa niya.

Sarado muna sa publiko ang Parish Church of St. John the Baptist sa Jimenez, Misamis Occidental, dahil sa nangyaring ito.

Gayunpaman, matapos umani ng matinding puna mula sa netizens at mga taong simbahan, agad niyang inalis ang nasabing video sa kaniyang social media.

Kinondena at tinawag ni Archbishop Martin Sarmiento Jumoad ang insidente bilang isang uri ng pambabastos sa mga bagay na itinuturing na banal sa pananampalatayang Katoliko.

Galit at gigil naman ang mga netizen, lalo na ang mga Katoliko, laban sa nabanggit na babaeng vlogger.

KAUGNAY NA BALITA: Lapastangan? Babaeng vlogger pinanggigilan, umano'y dumura sa holy water ng simbahan