December 12, 2025

Home BALITA National

Angara, nilinaw na sa 891 paaralan lang ipinapatupad bagong curriculum sa SHS

Angara, nilinaw na sa 891 paaralan lang ipinapatupad bagong curriculum sa SHS
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng paglilinaw si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara kaugnay sa pilot implementation ng Strengthened Senior High School (SHS) Curriculum.

Sa latest Facebook post ni Angara nitong Miyerkules, Agosto 6, sinabi niya kung ilang paaralan pa lang ang isinasailalim sa bagong SHS curriculum para sa taong panuruang 2025-2026.

“Ngayong school year, ang Strengthened Senior High School (SHS) Curriculum ay isinasailalim sa pilot implementation sa 891 paaralan lamang," saad ni Angara.

Dagdag pa niya, “Hindi nito pinapalitan ang Kinder-to-Grade 10 curriculum dahil katatapos lang po nating ilunsad ang MATATAG Curriculum para sa K-10 nitong nakaraan taon.”

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ayon sa kalihim, layunin umano ng repormang ito upang mas pagandahin pa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas mula K-to-12 para maihanda ang mga estudyante sa trabaho, negosyo, at kolehiyo.

Matatandaang Enero nang ianunsiyo ni Angara ang implementasyon ng bagong SHS curriculum. Sinabi ni Angara na bagama’t ngayong taong panuruan nakaplanong ipatupad ang bagong kurikulum, bukas naman daw sila sa pakiusap ng ilang paaralan.

MAKI-BALITA: Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026